Kumpirmado na nga ang relasyong Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.
Kung dati ay mga haka-haka lang ang tungkol sa napapabalitang mayroong namamagitan sa dalawa.
Kahapon sa game show ng Kapamilya Network na Deal or No Deal kung saan contestant sila Daniel at Erich, nadulas ang aktor nang masabi ang katagang “Nung Naging Kami…” sa tanong ng host na si Luis Manzano tungkol sa madalas na hastag ni Daniel na Spartan Baby.
Hindi na nakaiwas pa si Daniel at aminadong nahuli nga siya doon ni Luis.
At tuluyan ng inamin ng binata sa pagsabing “Yes, She’s my girlfriend now.”
Nagkakilala ang dalawa sa Palawan noong nag-guest sila sa ABS-CBN show na Kris TV ni Kris Aquino at si Kris din ang unang naghayag na hiwalay na si Erich sa longtime non-showbiz boyfriend nito, kasunod ng haka-hakang nagdi-date na sina Daniel at Erich.
By Jenny Valencia