Kapwa sinabi ng mga Kapamilya actor na sina Daniel Padilla at JC de Vera na parte lamang ng larong basketball nang magkainitan ang dalawa sa ginanap na Star Magic All Star Game kahapon.
Ito ay matapos na matumba si Daniel habang nakikipag-agawan ng bola kay JC sa kanilang laban.
Ayon kay JC, hindi niya akalain na magiging ganun ka-intense ang kanilang laro at hindi sinasadyang nadala siya ng kanyang emosyon sa laban.
Aniya, agad naman siya humingi ng paumanhin kay Daniel sa nangyari at muling nag-sorry matapos ng game.
Sinabi naman ni Daniel na normal lamang iyon dahil hindi maaalis ang kanilang pagiging competitive lalo’t kapwa gusto nilang manalo ang kanilang koponan.
Dagdag ni Daniel, nag-sorry na rin aniya siya kay JC at sinabing walang naman silang problema ng aktor.
Samantala, nanalo naman sa naturang basketball game ang team ni Gerald Anderson kung saan kabilang si JC sa score na 93 – 90 kontra sa team ni Daniel.
By Krista de Dios