Tumulak na pa-China si Miss World Philippines 2015 Danielle Parungao para sa 2015 Miss World sa December 19.
Naging emosyonal ang pambato ng Pilipinas sa 2015 Miss World Beauty Pageant sa kanyang send off sa NAIA lalo na’t mag-isa lamang itong bumiyahe.
Tiniyak ni Parungao na gagawin niya ang lahat para mauwi ang korona at magbigay ng karangalan sa bansa na una nang ginawa ni Megan Young nang makuha ang korona n0ong 2013.
Bitbit ng beauty queen ang figurine ni Mama Mary, rosaryo at mga larawan ng kaniyang pamilya at mga kaibigay para magsilbing inspirasyon sa tatahakin niyang kumpetisyon.
Bitbit din ni Parungao ang gown na gawa ni Mak Tumang at siyang susuotin niya sa evening gown competition.
Humihingi ng suporta at dasal si Parungao mula sa kapwa Pilipino lalo na yung mga aktibo sa social media para magtagumpay sa nasabing beauty pageant.
By Judith Larino