Tuluyan ng pinatalsik ni Caroline Wozniaki ng Denmark bilang “Top Seeded Player” ng Women’s Tennis Association si Simona Halep ng Romania.
Ito’y makaraang masungkit ni Wozniaki ang kampyonato sa 2018 Australian Open sa kanilang paghaharap ni Halep sa finals ng women’s singles, kagabi.
Winakasan ng Danish Tennis Superstar ang pamamayagpag sa WTA ng kanyang Romanian rival sa pamamagitan ng score na 7-6, 3-6 at 6-4.
Dahil sa naturang championship, nasikwat din ni Wozniaki ang kanyang unang grand slam title at umakyat sa number 1 mula sa dating second spot ng WTA rankings.