Isa pang kilalang supporter ng kasalukuyang administrasyon ang binigyan ng puwesto sa gobyerno.
Ito ay sa katauhan ni Volunteer Against Crime and Corruption Founding Chairman Dante Jimenez.
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Jimenez bilang Chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission o P.A.C.C.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment ng anti-crime at corruption advocate noong Enero a-dose.
Bukod kay Jimenez, itinalaga rin sa P.A.C.C. ang natalong Senatorial Candidate na si Greco Belgica, Gregorio Contacto the Third at Rickson Chiong bilang mga commissioner.