Patuloy na kumikilos ang Tropical Storm Dante pa-hilaga, hilagang-kanluran, ng karagatang sakop ng Pangasinan.
Ayon sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Dante kaninang alas-7 ng umaga sa layong 145 kilometro, kanluran, hilagang-kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna, at pagbugsong aabot naman sa 90 km/h.
Kumikilos ito pa-hilagan, hilagang-kanluran sa bilis na 35 km/h.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga lugar ng Dasol, Mabini, Burgos, Alaminos City, Agno, Bani, Bolinao at Anda sa Pangasinan.
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- central portion ng Pangasinan (Bugallon, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Mangaldan, Calasiao, San Carlos City, Aguilar, Mangatarem, Urbiztondo, Labrador, Infanta, San Fabian, Sual)
- northwestern portion ng Tarlac (San Clemente),
- northern portion ng Zambales (Santa Cruz, Masinloc, Palauig, Candelaria, Iba)
Inaasahan namang hihina ang Tropical Storm Dante at magiging isa na lamang topical depression sa susunod na 12-oras.