Pumapalo na sa mahigit dalawang bilyong piso (P2-B) ang danyos sa agrikultura at imprastruktura ng bagyong Urduja.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, mahigit isang bilyong piso (P1-B) ang danyos sa agrikultura gayundin sa imprastruktura ng bagyong Urduja na naglagay din sa labing apat (14) na lugar sa Regions 5, 8 at Caraga sa ‘state of calamity’.
Ipinabatid ni Marasigan na nasira ang taniman ng mais sa Pilar, Cebu.
Samantala, napinsala din ng naturang bagyo ang mga puno ng saging at niyog sa Barangay Biazon sa bayan pa rin ng Pilar.
Nasa 47 ang napaulat na nasawi sa Regions 4b, 5, 8 at Caraga kung saan anim (6) pa lamang ang kumpirmado.
Habang 41 ang bineberepika pa ng Management of the Dead ang Missing Cluster.
Matatandaang nangako ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na maglalabas ito ng sampung milyong pisong (P10-M) calamity fund para magbigay ayuda sa mga biktima ng bagyong Urduja.