Inihayag ng Department of Agriculture na tinatayang aabot sa P355.63 -M ang halaga ng danyos sa agrikultura na iniwan ng tropical depression Maymay at typhoon Neneng.
Sa initial assessment ng DA, naapektuhan ang 15,850 ektarya ng agricultural lands sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, at Cagayan Valley.
Nasira ng dalawang bagyo ang 25,297 metric tons ng pananim, kung saan naapektuhan ang 11,928 na magsasaka.
Kabilang sa mga napinsala ay ang bigas, mais at high value crops.
Sinabi naman ng DA na nagpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa National Government Agencies, Local Government Units, at iba pang Disaster Risk Reduction and management-related offices upang alamin ang epekto ng mga bagyo.
Nagpaabot naman ng assistance ang ahensya sa mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.