Pag-aaralan ng Department of Justice (DOJ) ang ilang mga hakbangin para protektahan ang mga bayad sa danyos sa mga kamag anak ng mga biktima ng Maguindanao massacre.
Ito ay matapos ibaba ng isang korte ng Quezon City ang pagbabayad ng ilang mga akusado sa massacre.
Ayon sa ahensya, makukuha lamang ng mga kaanak ng biktima ang bayad sa danyos kapag sumang ayon na ang Korte Suprema sa naging desisyon.
Magugunitang hinatulang guilty ang 43 katao kabilang na ang ilang mga miyembro ng angkan ng Ampatuan.
Samantala, 80 katao pa ang nanatiling at large.