Umabot na sa 1.45 billion pesos ang halaga ng pinsala sa pampublikong imprastruktura na dulot ng papanalasa ng Bagyong Agaton.
Batay sa report ng Bureau of Maintenance, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger Mercado na tinatayang nasa 1.30 billion pesos ang danyos sa mga kalsada at tulay sa Region 8 o Eastern Visayas.
6.06 million pesos naman ang tinatayang danyos sa national roads sa SOCCSKSARGEN Region kung saan nasa 27 million pesos ang pinsala sa mga kalsada at tulay.
Muli namang binuksan ng DPWH ang 47 sa 50 na kalsada sa mga rehiyon ng Western Visayas, Central Visayas at Eastern Visayas.
Nilinis din ng quick response teams ang tatlong natitirang saradong bahagi ng national road sa mga probinsya ng Leyte at Southern Leyte.
Layunin ng DPWH na muling buksan ang mga natitirang kalsadang hindi madaanan dahil sa pagguho ng lupa bago matapos ang Abril.