Iginiit ni Senador Ralph Recto na dapat ay nararamdaman ng mga motorista ang pinaglalaanan ng mga nakokolektang pondo mula sa Motor Vehicle User Charge (M-VUC).
Ang M-VUC ay ang binabayaran ng mga may-ari ng sasakyan kapag pinarehistro na nila ito sa Land Transportation Office (LTO).
Aniya, ginagamit dapat ang M-VUC sa mga proyektong magsisiguro ng kaligtasan habang silay ay nasa lansangan.
Dagdag pa ng senador, nagiging epidemya na ang aksidente sa kalsada at dapat ay mayroong mga proyekto na nagsusulong ng road safety.
Magugunitang nasa halos117,000 ang naitalang aksidente sa kalsada noong nakaraang taon ayon sa Philippine National Police-highway patrol group.