Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat bigyang proteksyon ang mga mamamahayag sa anumang uri ng karahasan o pagbabanta.
Ito ang naging mensahe ng punong ehekutibo kasabay ng World Press Freedom Day.
Ayon sa pangulo, kanyang kinikilala ang kahalagahan ng malaya at responsableng pamamahayag kasabay ng pag-unlad ng lipunan sa gitna ng makabagong panahon.
Kung saan aniya ay kinakailangan ang at mahalaga ang totoong impormasyon.
Sa huli, nanawagan ang pangulo sa bawat Pilipino na siguruhing mapapanatili ang integridad at kaligtasan ng bawat mamamahayag.