Nanindigan ang United Nationalist Alliance o UNA na dapat ibasura ng Commission on Elections ang kahilingan ng Liberal Party na palawigin ang paghahain ng Statement Of Contributions and Expenditures o SOCE.
Ito ang laman ng sulat ni UNA Secretary General JV Bautista na ipinadala sa Campaign Finance Office ng COMELEC.
Sinabi ni COMELEC Chairman Andy Bautista na ang itinakdang June 8 deadline sa pagsusumite ng SOCE ay pinal at hindi na dapat pinalalawig pa.
Malinaw at madali naman aniyang unawain ang patakarang ito, pero ang Liberal Party ay nagbigay ng mga dahilan upang maging exempted sa batas.
Magugunitang nagsumite ang LP ng SOCE at tinanggap naman ito ng COMELEC bilang ministerial.
Pero, hindi kasama sa ipinasa ng Partido Liberal ang SOCE ng kanilang standard bearer na si dating DILG Secretary Mar Roxas.
By: Meann Tanbio