Dapat ipagdasal ng mga mananampalataya ang sinumang pumapasok sa pagpapari at sagradong pamumuhay.
Ito ang inihayag ni Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang circular na inissue sa mga kleriko at layko kasabay ng 54th World day of Prayer for Vocations at Good Sheperd Sunday.
Isang “Prayer for Vocations” ang babasahin matapos ang komunyon sa mga misa sa susunod na linggo, Mayo a-katorse upang mahikayat ang kabataan na ipanalangin ang mga nagpapari o pumapasok sa sagradong pamumuhay bilang paglilingkod sa Diyos.
Hinimok din ni Tagle ang mga pari sa lahat ng parokya na isama ang mga petisyon para sa nasabing religious vocations sa panalangin ng mga sumasampalataya sa mga misa.
Ang tema ngayong taon ng World Day of Prayer for Vocations ay “Led by the Spirit for Mission.”
By Drew Nacino
Dapat ipagdasal ang sinumang pumapasok sa sagradong pamumuhay–Cardinal Tagle was last modified: May 7th, 2017 by DWIZ 882