Dapat ipagmalaki ng Pilipinas ang Juvenile Justice Act.
Sa ika-30th anibersaryo ng U.N Convention on the Rights of the Child, sinabi ng U.N na kapuri puri ang agarang pagpasa sa Juvenile Justice Act noong 2006 matapos na lumagda sa tratado.
Binigyang diin ng U.N na natatanggal ang pananagutan sa matatanda kapag itinuring na kriminal ang mga bata na biktima lamang ng pagkakataon dahil sa kahirapan.
Kasabay nito, iginiit ng U.N ang pagtutol nila na ibaba sa 9 na taon mula sa kasalukuyang 15 taon ang MACR o Minimum Age of Criminal Responsibility.