Dapat mabigyan ng mas malaking papel ang local government units sa pagpapasya sa pagbabalik ng face-to-face classes lalo na sa mga lugar na mayruong mababang kaso ng COVID-19.
Binigyang diin ito ni Chito Salazar, pangulo at CEO ng Phinma Education Network.
Sinabi ni Salazar na bagama’t halos pareho rin sa face-to-face classes mayruong mga isyu ng distractions o mga panggulo sa bahay at access sa maayos na internet connection lalo na sa marginalized sector ang online learning.
Ayon pa kay Salazar kailangang kaagad na humanap ng mga paraan para makabalik na sa face-to-face classes kayat isinusulong nilang ipaubaya sa LGU’s ang pagpapasya kung dapat nang bumalik ng pisikal sa eskuwelahan ang mga estudyante.
Hindi aniya dapat maisakripisyo ang kalidad ng edukasyon ng mga bata at kabataan.
Ipinabatid ni Salazar na ang Phinma ay nag shift sa analog para tulungan ang mga estudyante na hirap sa online system sa pamamagitan nang pagtatalaga ng mga guro upang i-coach ang mga bata ngayong may pandemya.