Ikinakabahala ni Senador Kiko Pangilinan ang walang basehang pagdadawit sa ilang senador sa pagpa – plano ng Marawi Siege.
Ito ay matapos sabihin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na kasama umano sa pagpa – plano si Senador Bam Aquino na nasa marawi ilang araw bago ang paglusob ng Maute.
“Yung panggigipit sa amin, nakakapangamba dahil ganito na ba ang ating demokrasya? ‘Pag ikaw ay hindi sumasang-ayon, ay ikaw ay sasampahan ng kaso o kaya ikaw ay tirahin sa social media o kaya ikaw ay magkakaroon ng walang basehang paratang”, pahayag ni Pangilinan.
Kaugnay nito ay nanawagan si Pangilinan sa media organizations na maging mapag bantay laban sa pagkalat ng mga pekeng balita na kung minsan ay ginagamit bilang ebidensya sa mga akusasyon.
“Set aside our differences, dapat magkaisa laban sa fake news at paninira na ganitong klase. Sabihin na nating salot sa demokrasya dahil panlilinlang ito at panloloko, at ang publiko ay na-aapektuhan, ang kanilang pananaw, ang bagay-bagay dahil dito sa panlilinlang at panloloko sa fake news. Dapat talagang, kahit ang mainstream media dahil we do have freedom of the press”, dagdag pa ni Pangilinan.
By Katrina Valle | Usapang Senado Program (Interview)