Kailangan maglatag ng gobyerno ng malinaw at direktang plano para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Ito’y ayon kay Professor Emannuel Leyco, isang ekonomista matapos na mangulelat ang Pilipinas sa Bloomberg’s Covid Resilience Ranking.
Inihalimbawa ni Leyco ang pagtugon sa COVID-19 pandemic ng New Zealand kung saan binibigyang diin ng mga opisyal ng gobyerno na ang komunikasyon at pagkakaintindihan ang pinaka mahalaga sa mga ganitong sitwasyon.
Giit ni Leyco, hindi dapat patay-sindi ang ating ekonomiya kaya’t kailangan na magkaroon ng malinaw na direksyon ang pamahalaan sa pagtugong sa pandemya.
Lahat aniya ng sektor partikular ang mga private firms ay dapat na magkaroon ng papel sa pagtugon ng bansa sa pandemya.