Naniniwala si dating Metropolitan Manila Development Authority Chairman o MMDA Bayani Fernando na dapat muling buhayin ang organized bus route system para umaayos ang lagay ng trapiko sa Metro Manila.
Aniya, napabayaan na ang ilang mga sistema kaya’t dapat itong buhayin at mas ayusin pa ang implementasyon.
Dagdag pa nito, mula noong siya pa ang chairman ng MMDA ay ito na ang kanyang panukala.
Matatandaang umani ng batikos ang implementasyon ng ilang panukala ng MMDA kamakailan lang dahil sa mas mabigat ng daloy ng trapiko partikular na sa EDSA.