Dapat munang kalimutan ng mga bansa ang pagbili ng booster shots.
Sa halip sinabi ng World Health Organization na dapat pang tutukan partikular ng mga mahihirap na bansa ang mga hindi pa nababakunahang mamamayan nila.
Ayon sa WHO patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kayat mas mabuting pagtuunan ng pansin ang pagbabakuna.
Kasabay nito binatikos ng WHO ang anito’y hindi pantay na supply ng bakuna dahil ilang bansa ang bumibili ng ilang milyong doses ng bakuna samantalang ang ibang bansa naman ay halos nagkukumahog na makabili ng bakuna.