Inihayag ngayon ni Senador Panfilo Lacson na dapat munang lutasin ng susunod na administrasyon ang underspending bago pag-usapan ang panukalang dagdag sa Value Added Tax o VAT.
Ayon kay Lacson, ito ay dahil sa ang pangkaraniwang mamamayan ang higit na maaapektuhan sa plano ng bagong administrasyon na itaas sa 15 % ang kasalukuyang 12 % VAT.
Giit ni Lacson, hindi iindahin ng mga negosyante ang pagtataas sa VAT dahil ipapasa lang nila ito sa mga consumer.
Para naman kay Senate Committee On Ways and Means Chairman Sonny Angara, dapat tingnan na sa Asian region, tayo na ang may pinakamataas na VAT rate.
Tiniyak ni Angara na pag-aaralan nila ng husto ang panukalang VAT increase, rerepasuhin ang listahan ng mga exemption sa saklaw ng VAT at aalamin ang mga transaksyon na hindi na dapat ma-exempt sa VAT.
By: Meann Tanbio