Pinayuhan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga nais mag-bakasyon sa mga lalawigan na i-check ang website ng mga ito para sa mga kaukulang travel protocol.
Ito ayon kay Puyat ay para makasiguro sa ipinatutupad na health protocols ng LGU lalo na’t pabago-bago ang travel protocols sa mga tourist destination.
Mas mabuti rin aniyang alamin sa mga hotel ang mga ikinakasang protocol nito.
Inamin ni Puyat na nagugulat sila sa minsan ay biglaang anunsyo ng LGU hinggil sa pansamantalang pagsasara ng kanilang tourist spots dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.