Dapat na magpatupad ng mahigpit na health protocols at precautionary measures sa mga sinehan sa oras na magbukas na muli ito sa publiko.
Ayon kay Dr. Eric Tayag, director ng DOH Knowledge Management and Information Technology Service, mas makabubuti kung masusunod lahat ng mga magtutungo sa sinehan ang mga ipatutupad na protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ilan aniya sa dapat ipagbawal sa loob ng sinehan ay ang pagkain, pagtanggap ng tawag, paggamit ng comfort room at higit sa lahat ay malimitahan ang bilang ng tao sa loob.
Hindi rin umano dapat kalimutan ang pagsusuot ng face mask sa loob ng sinehan sa buong oras ng panunuod nito.
Nais din matiyak ni Tayag na magkakaroon ng disinfection kada screening ng pelikula.
Inaasahang magbubukas muli ang mga sinehan simula sa Marso 1.