Nag-abstain dapat ang Pilipinas.
Ito ang iginiit ni Philippine Ambassador to the United Nations Teodoro Locsin Jr. na naangkop sanang boto ng Pilipinas kaugnay sa United Nations resolution na nananawagan sa Myanmar na itigil ang military campaign laban sa mga Rohingya Muslims.
Sa kanyang Twitter post sinabi ni locsin na sana nag-abstain ang Pilipinas sa botohan tulad ng Singapore bilang paggalang at pagiging patas sa mga Muslim at non-Muslim na bansang miyembro ng ASEAN.
Gayunman, depensa ng Malacañang ang naging boto ng Pilipinas na ay hindi nangangahulugang ipinagwawalang bahala lamang ng bansa ang kalagayan ng mga Rohingya.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, iginagalang lamang ng bansa ang mga pagsisikap ng Myanmar na matugunan ang sitwasyon tulad ng pagtatatag ng Advisory Commission on Rakhine State na pinamumunuan ni dating UN Secretary General Dr. Kofi Anan.
Giit ni Roque, maaaring magpalala lamang sa sitwasyon ng mga Rohingya kung pupunahin lamang ang mga hakbang ng Myanmar dahil komplikado aniya ang nasabing usapin.
—-