Hinimok ng isang kongresista ang Inter-Agency Task Force (IATF) na pag-aralan ang “swab-upon-arrival policy” ng Cebu Provincial Government.
Ito ang naging panawagan ni Deputy Speaker Bernadette Herrera sa pamahalaan na kailangan ipatupad ito sa bansa.
Ayon kay Herrera, nagpapakita ang polisiyang pagiging praktikal, logical at beneficial hindi lamang sa gobyerno pati na rin sa mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s at Returning Overseas Filipinos (ROFS).
Aniya, tinitiyak rin nito ang proteksyon sa banta ng COVID-19 mula sa dumarating na mga pasahero.
Kung gagawin ang “swab-upon-arrival policy” ay maagang malalaman ang mga positibong kaso ng virus.
Iginiit pa ng mambabatas na hindi kailangang ikulong sa isolation ang mga OFW at ROF sakaling mag-negatibo sa test at maaaring sa mga bahay na lang mag-quarantine.