Hinimok ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan na paimbestigahan at hulihin ang sinumang magtatangkang magpasok ng mga pekeng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Go, dapat itong bantayang mabuti ng mga awtoridad para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Kasunod nito, nagbabala si Go na unang ituturok ang mga pekeng bakuna sa mga nagpapasok ng mga ito sa Pilipinas.
Bago nito, inatasan ng Justice Department ang National Bureau of Investigation (NBI) na bantayan nito at pigilan ang pagpasok ng mga pekeng bakuna kontra COVID-19.
Sa huli, siniguro ni Senador Go na bibigyang proteksyon ng pamahalaan ang bawat Pilipino hinggil sa gagawing vaccination program–tanging mabisa at ligtas lamang ang makapapasok sa bansa.