Nakahanap ng kakampi ang Gabriela Partylist sa pagkondena nito sa pagho-host ng Pilipinas sa Miss Universe.
Sa panayam ng programang “Ratsada Balita”, sinabi ni dating Congresswoman Luzviminda Ilagan na hindi dapat gamitin ang mga babae bilang sex object o commodities.
Bahagi ng pahayag ni dating Congresswoman Luz Ilagan
Dagdag pa ni Ilagan, maaari namang ipakita ang kagandahan at karakter ng isang babae nang hindi sa pamamaraan ng isang beauty contest.
Halimbawa aniya sa lalawigan ng Davao, mayroong mga kompetisyon kung saan hindi nakasuot ng bathing suit ang mga kandidata.
Bahagi ng pahayag ni dating Congresswoman Luz Ilagan
By Meann Tanbio | Ratsada Balita