Isinailalim na sa State of Calamity ang Dapitan City, Zamboanga del Norte makaraang malubog sa baha bunsod ng walang tigil na ulan dulot ng Low Pressure Area ang 11 barangay.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa mga nalubog ang Barangay Potungan, Dampalan, Opao, Ba-Ao at Barcelona matapos umapaw ang Sibutad, Tolon at Dampalan Rivers.
Sa kabila nito, wala namang naitalang casualties sa mga naturang lugar.
Nagsasagawa na ng rapid damage assessment ang C.D.R.R.M.C. kasabay ng pagsaklolo sa mga apektadong residente.
Posted by: Robert Eugenio