Bibigyan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng tig-tatlong ektaryang lupang sakahan ang mga magtatapos ng agricultural courses.
Ito ang inanunsyo ni DAR Secretary John Castriciones kasabay nang pamamahagi nito ng certificates of land ownership award sa mga agrarian reform beneficiaries sa Barangay Bantay, Boac, Marinduque.
Layon ng hakbang na ito na himukin ang mga kabataan na tulungang mapalakas ang sektor ng pagsasaka sa bansa.
Nangangamba kasi umano ang Department of Agriculture – Agricultural Training Institute na magkaroon ng kakulangan ng mga magsasaka ang bansa sa susunod na labing limang taon kung magpapatuloy ang kalakaran.
Ang lupang ibibigay sa mga magtatapos ay magsisilbi ring panimula at magagamit sa kanilang propesyon sa bukirin.