Puspusan na ang pagsasagawa ng inventory ng Idle Government Owned Lands na nasa ilalim ng Executive Order 75 na kinabibilangan ng state universities and colleges (SUC) sa buong bansa.
Bahagi ito ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella, III ng commitment ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa susunod na anim na taon.
Sinabi ni Estrella na nasa 26,000 pa ang kailangang i-validate at target na ipamahagi ng libre sa mga kuwalipikadong beneficiaries ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Kailangan aniyang i-evaluate at magsagawa ng inventory sa coverable SUCs at matukoy kung saang mga area ang nagamit na para sa agri research.
Tiniyak ni Estrella na ang mga lupaing hindi sakop ng education purposes ang kabilang sa inventory ng mga lupain para sa SUCs.