Bineberipika pa ng Department of Agrarian Reform kung maaring isailalim sa land reform ang ilang bahagi ng lupain sa isla ng Boracay.
Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, tinutukoy na nila ang ilang ektaryang lupain na pu-puwedeng ibigay sa mga magsasaka.
Nilinaw naman ni Castriciones na hindi maaaring ibenta ng mga nasabing magsasaka ang lupang ibibigay sa kanila ng pamahalaan dahil na rin sa banta ng ilang negosyante.
Binigyang diin ni Castriciones ang nakasaad sa batas kaugnay sa reporma sa lupa sa Boracay at maaari pa rin ito aniyang bawiin ng gobyerno.
Bago matapos ang taon, inaasahang makakapag bahagi na ang gobyerno ng prosyento ng lupa sa mga magsasaka.