Inaasahang bibilis na ang pagresolba sa mga kasong may kinalaman sa agraryo.
Binigyang diin ito ni DAR Secretary Conrado Estrella, III dahil kukuha sila ng mga dagdag abogado na tututok sa agrarian cases.
Kasunod na rin ito nang pag amin ni Estrella na kulang talaga ang kanilang mga abogado para mag review ng mga nakabinbing kaso sa ilalim ng DAR Adjudication Board at Agrarian Law Implementation.
Nasa halos 641,000 cases ang hawak ng DAR Adjudication Board at Agrarian Law Implementation mula 1988 hanggang June 2022.