Magdodoble-Kayod ang Department of Agrarian Reform o DAR upang mapalakas ang kanilang crop insurance program dahil sa nakaambang El Niño phenomenon na banta rin sa farming sector.
Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, kasama sa mga prayoridad nila ang pagtulong sa mga agrarian reform beneficiaries o ARBs upang makabawi mula sa pagkalugi dulot ng mga kalamidad.
Nabatid na ang insurance coverage ay hindi limitado sa mga nasirang pananim kundi saklaw din nito ang buhay ng mga ‘insured’ na magsasaka at maging ang kanilang pamilya.