Nagsagawa ng vaccination drive sa mga opisyal at empleyado ang Department of Agrarian Reform (DAR) para sa kanilang ikalawang dose ng booster vaccines.
Ayon kay DAR Sec. Conrado Estrella III, ito ay para maprotektahan ang mga tauhan ng kagawaran mula sa covid-19 at para sa pagpapatuloy ng pagbibigay serbisyo sa bayan.
Sinabi ni Estrella na ang kanilang ahensya ang pangalawang tahanan ng mga opisyal at empleyado kaya mahalaga ang kapakanan ng mga ito.
Dagdag pa ni Estrella na nabigyan ng pagkakataon ang mga tauhan ng DAR na pumili ng brand ng bakuna na nais nilang maiturok sa kanila.
Dahil dito, umabot sa 600 empleyado ng DAR Central Office kabilang ang mga empleyado ng DAR Region 4A at 4B, ang naturukan ng booster vaccine.
Pinasalamatan naman ng mga empleyado ng DAR si Estrella sa bakunang kanilang natanggap at para narin sa kaligtasan ng kanilang mga pamilya.