Umarangkada na ang pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka sa Negros Occidental.
Kabuuang P360,000 na grant mula sa Department of Agriarian Reform (DAR) ang natanggap ng mga magsasaka upang paunlarin ang kanilang organic vegetable farming.
Ayon kay DAR Western Visayas Regional Director, Atty. Sheila Enciso, ipinatupad ang naturang proyekto sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support (CRFPS) ng DAR.
Layunin ng naturang programa na tulungan ang mga Agrarian Reform Benefit Organizations (ARBOs) sa lugar.
Binigyan naman ang organisasyon ng mga buto ng gulay, organic fertilizer, nursery supplies, vermi worms, farm equipment at water system reservoir ang mga magsasaka. —sa panulat ni Hannah Oledan