Ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang aabot sa 9.7 ektaryang lupang sakahan sa walong magsasaka sa Coron sa Palawan.
Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, ang naturang pamamahagi ng lupa ay nasa ilalim ng ‘serbisyong DAR-to-door program’ ng ahensya.
Sa naturang programa, mismong si Castriciones ang maghahatid ng land titles sa mismong benipisyaryong magsasaka.
Paliwanag ni Castriciones, sa ganitong pamamaraan, nailalapit ng pamahalaan ang mga serbisyo para sa magsasaka para iparamdam anito na nasa kanilang panig ang administrasyon.