Namahagi ng mga farm equipment sa mga magsasaka ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Saranggani.
Kabilang sa mga kagamitang ipinamahagi ng DAR ang mga hand tractor, cacao grinder, at coconut grater, na may kabuuang halaga na aabot sa P250, 000 na tinanggap ng Pangyan Agrarian Reform Beneficiaries Organization (PARBO), mula sa Purok Dungon, Brgy. Pangyan, sa bayan ng Glan, Saranggani.
Sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project ng ahensya, layunin nitong mabigyan ang mga magsasaka ng suporta, agricultural extension services, at maturuang maging matatag sa gitna ng mga banta ng climate change.
Ang mga nasabing kagamitan ay makakatulong para mas mapabilis ang pag-aani ng 611 Agrarian Reform Beneficiaries, at mga magsasaka na kinabibilangan ng Pangyan, Burias, Baliton at Cablalan Agrarian Reform Community.
Samantala, pinasalamatan naman si PARBO president Reynaldo Calamayan ang tulong na ipinamahagi sakanila ng DAR.