Namahagi ng Livelihood Support Facilities ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa mga magsasaka sa Sitio New Alimodian Peace Zone Multi-Purpose Cooperative (SNAPZ-MPC) sa Lalawigan ng Cotabato.
Kabilang sa ipinamahagi ng DAR ang isang Common Service Facility at mga Production Input na may layuning mapalakas ang kabuhayan sa pagsasaka at maabot ang produksyon ng mani at mais na aabot sa halagang P450,000.
Bukod pa dito, nakatanggap din ng isang unit ng corn sheller, apat na unit ng collapsible dryer, 10 bags ng organic compost, at iba pang makakatulong sa pagsasaka ang Cadiis Farmers’ Association sa Bayan ng Carmen ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa DAR, patuloy nilang imo-monitor ang naturang proyekto, at umaasang gagawin ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) ang kanilang responsibilidad batay na rin sa kasunduang kanilang napag-usapan.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga nasabing organisasyon sa tulong na kanilang natanggap mula sa kagawaran.