Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema sa loob ng sampung (10) araw ang DAR o Department of Agrarian Reform.
Ito’y upang malaman kung nakasusunod ba ang kagawaran sa pagpapatupad ng land distribution order ng High Tribunal sa Hacienda Luisita.
Inilabas ang nasabing resolusyon alinsunod sa inihaing motion for contempt ng RCBC o Rizal Commercial Banking Corporation noong isang buwan.
Sinasabing nilabag umano ni DAR Secretary Rafael Mariano ang desisyon ng Supreme Court na ihiwalay ang limandaang (500) ektaryang lupain sa hacienda na una nang na-convert bilang industrial land.
By Jaymark Dagala
DAR pinagpapaliwanag sa usapin ng land conversion sa Hacienda Luisita was last modified: May 12th, 2017 by DWIZ 882