Umaasa ang Department of Agrarian Reform (DAR) na mapapalakas ang sektor ng agrikultura sa Zamboanga Peninsula pagkatapos mamahagi ng agricultural lands sa mga magsasaka.
Papalo sa mahigit 1,800 ektarya ng lupa ang ipinagkaloob sa 1, 074 agrarian reform beneficiaries bukod pa sa iba’t ibang support services projects na may kabuaang halaga na P50M.
Samantala, ipinabatid ni DAR Secretary Bernie Cruz, layunin ng suportang ito ng pamahalaan na palakasin ang mga magsasaka at mapagyaman ang kanilang mga lupain.
Aniya, ang aktibidad na ito ay naisakatuparan dahil sa pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya at suporta ng local hanggang national level.
Ang mga ipinamahaging lupain ay mula sa mga lalawigan ng Zamboanga Del Norte, Zamboanga Sur, at Zamboanga Sibugay.