Itinalaga ng United Nations Development Programme (UNDP) ang batang singer na si Darren Espanto bilang bagong youth advocate para sa kanilang mga layunin ng sustinableng pag-unlad o sustainable development goals.
Ayon sa UNDP, kinikilala nito ang potensiyal ng mga tinedyer bilang mga ahente ng pagbabago.
Nagpapasalamsat naman si espanto sa pagkakatalaga sa kanya ng UNDP.
Bukod dito, nangako rin ang batang singer na gagampanan nito anuman ang mga responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat.