Ikinasal na ang singer na si Daryl Ong sa matagal ng kasintahan nito at kapwa mang-aawit na si Dea Formilleza.
Naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawang singer kahapon sa The Emerald Place sa Antipolo.
Ibinahagi nina Daryl at Dea sa kanilang social media ang mga naganap sa wedding ceremonies.
Ginamit nila ang hashtags na #gameongver at #dadeyforong
Kabilang naman sa mga dumalo ang singers na sina michael pangilinan at Liezel Garcia, mga kaibigan ni Dea na sina Julia Serad at Lyra Micolob.—sa panulat ni Airiam Sancho