Isang buong araw ng katahimikan at dasal ang alay ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa mga sundalong nasawi sa pakikipaglaban sa Marawi City ngayong Araw ng Kalayaan.
Hinimok ni Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP ang publiko na samahan silang mag-alay ng panalangin sa mga sundalong nagbuwis ng buhay upang mapalaya ang Marawi City sa Maute Group at pakikipagdalamhati na rin sa mga pamilyang naiwan ng mga nasawi.
Hiniling rin ng AFP na isama sa dasal ang lahat ng inosenteng sibilyan na nadamay at namatay sa kaguluhan.
Una nang hiniling ng Malacañang na ipakita sa telebisyon at basahin sa radyo ang pangalan ng lahat ng nasawing sundalo sa Marawi City, eksaktong alas-12:00 ng tanghali.
By Len Aguirre | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
Dasal at saludo handog sa mga nasawing sundalo sa Marawi was last modified: June 12th, 2017 by DWIZ 882