Nanawagan si Palo Leyte Archbishop John Du sa mga Katolikong mananampalataya ng patuloy na pagdarasal para sa mga nasawi sa pananalasa ng super typhoon Yolanda noong 2013.
Ayon kay Archbishop Du, marami sa mga nasawi dahil sa bagyong Yolanda ay hindi pa nakahandang yumao at hindi pa nalilinis ang kanilang mga kaluluwa.
Giit ni Du na kailangang matuto na ang lahat sa pangyayaring at pinayuhan ang mga mananampalataya na maging handa sa kamatayan dahil posibleng maulit muli ang trahedya tulad ng Yolanda na hindi inaasahan ng lahat.
Samantala, inihayag naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP na kasabay ng ika-apat na anibersaryo ng pananalasa ng super typhoon Yolanda ngayong araw ay ang kapistahan din ng Our Lady of Hope sa Palo kung saan ipinadiriwang ang pagiging resilient ng mga nakaligtas sa sakuna.
—-