Makatutulong ang mga dash cam at recording devices upang makita kung aksidente ba o hindi ang ilang mga kaganapan sa kalsada.
Ito ang paliwanag ni Iligan City Representative Frederick Siao hinggil sa kanyang panukalang mandatory dashcam and recording devices sa lahat ng sasakyan sa Pilipinas.
Aniya, kapag naaprubahan na ang batas ay bibigyan ng tatlong taon para sa kumpletong implementasyon ng batas.
Sa ilalim nito, kailangan ay mayroon nang recording cam ang lahat ng mga sasakyan kapag lumabas na ito sa mga manufacturers.
Ideally po pag lumabas sa car dealership or sa planta yung sasakyan meron an itong basic recording system na may dash cam or brand and rear view,” ani Siao. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas
Bilang ng mga recording devices ng pampublikong sasakyan magkaiba sa pribadong sasakyan
Magkaiba ang bilang ng mga recording devices ng mga pampublikong sasakyan sa mga pribadong sasakyan.
Ito ay ayon kay Iligan City Representative Frederick Siao hinggil sa panukalang mandatory recording devices sa lahat ng mga sasakyan.
Aniya, ang mga dashcam ay magagamit para sa kaligtasan ng mga sakay nito.
Kailangan din ay visible o nakikita ng mga nakasakay kung nasaan ang mga recording devices.
If in case it’s a commuter utility vehicle, mandatory po na may dash cam at may second cam na nakikita ang passengers for their safety and security. The third camera is mandatory for rear view, they are required to have atleast 3 camera basta commuter vehicles po. For private vehicles dapat 2 camera, may front at may rear view. ani Siao. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas