Kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar nag positibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang baboy sa Dasmarianias, Cavite at ibang bayan sa Nueva Ecija.
Hindi tinukoy ni Dar kung ilang baboy ang naapektuhan subalit sinabi nitong “minimal” o maliit lamang ang bilang ng mga ito.
Hindi naman binanggit ni Dar kung anong bayan sa Nueva Ecija ang naapektuhan na rin ng ASF.
Samantala, ipinabatid ni Cavite Governor Jonvic Remulla na linggo ng hapon nila unang natanggap ang report hinggil sa posibleng ASF infection kung saan kaagad silang nagsagawa ng confirmatory test kinabukasan at nakumpirma ngang ASF ito, Martes ng hapon.
Sinabi ni Remulla na apektado sa Dasmariñas ang mga barangay ng Emmanuel Bergado, at Salawag.
Hinihinala aniya nilang nagmula sa hindi nakaing pagkan na ipinakain sa mga baboy ang virus.
Matapos makumpirma ang ASF sa Dasmariñas, inihayag ni Remulla ang agarang deklarasyon niya ng lockdown na nangangahulugang mahigpit na babantayan ang entry at exit points sa Cavite para hindi makapasok ang mga baboy na apektado ng ASF.
Dahil dito, ipinag utos ni Remulla ang mandatory testing sa lahat ng baboy sa buong lalawigan.