Sinisilip na ng DOJ ang umano’y data breach sa Office of the Solicitor General.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra mahigit 345,000 files ang na naapektuhan sa nasabing data breach batay sa nalaman ng London based security firm na Tugensec noon pang buwan ng Marso.
Sinabi ni Guevarra na maaaring maapektuhan ng pagkaka-expose ng files ang mga judicial proceedings kaya’t dapat maimbestigahan ang ugat ng nasabing data breach sa OSG.