Hindi applicable ang data privacy act sa mga impormasyon ng isang public figure gaya ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian.
Ito ang binigyang linaw ng National Privacy Commission (NPC) matapos sabihin ni Bureau of Correction (BuCor) Chief Gerald Bantag na labag sa nasabing batas kaya tumanggi itong magbigay pa ng karagdagang detalye kaugnay sa pagkamatay ni Sebastian.
Ayon kay NPC Commissioner Mon Liboro, hindi na magiging sakop ng data privacy act ang impormasyon hinggil kay Sebastian dahil ito ay naging public figure na.
Dagdag pa ni Liboro, justified ang pagiging public interest ng mga impormasyong bumabalot sa naturang insidente dahil nasangkot umano si Sebastian sa isyung alam na noon pa ng publiko.