Nagbabala si House Deputy Majority at ACT-CIS Party-List Representative Erwin Tulfo na magbababa muli sila ng contempt order laban sa opsiyal ng Philippine National Police kung hindi pa rin susunod sa hinihiliing ng komite.
Ito’y matapos hindi ibigay ni PNP Directorate for Personnel and Records Management Police Colonel Lynette Tadeo, ang listahan ng mga nasibak na pulis dahil aniya sa Data Privacy Act of 2012.
Gayunpaman, binigyang diin ni Antipolo Representative Romeo Acop, na may exemption ang nasabing batas at isa na doon ang ginagawa nilang pagdinig.
Giit ni Congressman Tulfo, posibleng isipin ng publiko na may pinagtatakpan ang PNP kaya ayaw nitong magsumite ng listahan.
Nabatid na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng committee on public order and safety ang umano’y iligal na pag-aresto sa apat na Chinese National sa Parañaque City. – sa panunulat ni Katrina Gonzales