Hinikayat ng NPC o National Privacy Commission ang mga opisinang humihingi ng personal na impormasyon ng bawat indibidwal na magparehistro sa kanila.
Ito’y bago tuluyang higpitan ng ahensya ang pagpapatupad ng Data Privacy Act of 2012 simula sa Setyembre 9 ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Dr. Rolando Lansigan, pinuno ng Compliance and Monitoring Division ng NPC, dahil sa naturang batas ay hindi na maaaring basta-basta maipapakalat ang mga pribadong impormasyon ng isang tao.
Sa ilalim ng nasabing batas, tatlong buwan hanggang limang taong pagkakakulong ang maaaring ipataw na parusa sa sinumang lalabag at pagbabayarin ng mula P105-M multa depende sa bigat ng paglabag.